Mga talento sa musika ipinamalas
August 09, 2024
Sa pangwakas na gawain ng mga kalahok sa programang Hamon ng Himig (HnH), isang konsiyerto ang idinaos sa Ignacio B. Gimenez-Kolehiyo ng Arte at Literatura Theater.
Ang HnH ay isang music tutoring program para sa pagtugtog ng gitara at pagkanta sa koro, at bukas para sa mga mag-aaral ng 红杏影院 (UPD) at iba pang mga kasaping unibersidad (constituent universities / CUs) ng UP System.
Mga nag-aral ng pagkanta sa koro. Larawang kuha ni Jefferson Villacruz, UPDIO
Isang programa ng UPD Kolehiyo ng Musika (College of Music / CMu), sa pakikipagtulungan sa UP Opisina ng Pangulo, UP Office of Student Development Services (OSDS), at UP Opisina ng Pangalawang Pangulo para sa mga Gawaing Akademiko (Mga Gawaing Pangmag-aaral), tumagal ito ng dalawang buwan kung saan ang mga nagturo ay mga guro at kawani ng CMu at ibang CUs.
Gamit ang mga bagong kasanayan na natutunan sa HnH, nagpakitang-gilas ang mga nagsipagtapos na mag-aaral mula sa UPD, UP Baguio, UP Cebu, UP Los Ba帽os (UPLB), UP Manila (UPM), UP Mindanao, at UP Open University.
Ilan sa kanilang mga tinugtog at inawit ay cover ng mga banyagang awitin at mga awiting bayan ng mga Cordilleran (Oy na Oy), Ilonggo (Ili Ili Tulog Anay), at Tagalog (Sitsiritsit at Tong Tong Pakitong).
Mga nag-aral ng pagtugtog ng gitara kasama ang mga tagapagturo at si Manimtim. Larawang kuha ni Jefferson Villacruz, UPDIO
Itinanghal din ang mga Original Pilipino Music na Maybe the Night at Kathang Isip ng Ben&Ben, Hawak Kamay ni Yeng Constantino, Pasilyo ng SunKissed Lola, Tabing Ilog ni Barbie Almalbis, Sundo ng Imago, Liwanag sa Dilim at Umaaraw, Umuulan ng Rivermaya, at With a Smile ng Eraserheads.
Dalawang mag-aaral naman mula sa UPLB ang nagtanghal ng kanilang mga gawang awit na nilapatan ng musika ni Solaiman Jamisolamin, katuwang na propesor sa CMu at isa sa mga tagapagturo sa pagtugtog ng gitara. Tinugtog at inawit ni Eloisa Jane Patero ang likha niyang Babalik na sa Kanya na ayon sa kanya ay tinatawag niyang 鈥渞edemption song. Patotoo na ang pagmamahal ng Panginoon ay tunay at ito ay laging bago bawat umaga.鈥 Kasama ni Patero ay tinugtog at inawit naman ni Jeff Suaze ang likha niyang Midyear, isang awit tungkol sa 鈥渒inimkim na pag-ibig,鈥 paliwanag ni Suaze.
Dahil sa matagumpay na konsiyerto, sinabi ni Nathan Neil V. Manimtim, PhD na 鈥渘agkaroon ng saysay ang aming pagtugon sa hamon upang gamitin ang himig ng gitara at awit upang mapaglingkuran ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas.鈥
Manimtim. Larawang kuha ni Jefferson Villacruz, UPDIO
Si Manimtim ay katuwang na propesor sa CMu at project leader ng HnH.
Sinabi rin niya na nakatulong ang HnH sa 鈥減angangalaga,…